October 3, 2014 nang isinulat ko itong blogpost. October 14, 2013 ang huling post ko sa blog ko. Halos mag-iisang taon na kinalimutan kong magsulat para mag-lakbay patungo sa daan na hindi ko inaakala na EDSA pala sa tindi ng trapik, pasikot-sikot, at batang hamog.
Pero ano na ba nangyari sa isang taong pananahimik ko sa blog na ito?
Kung papansinin ninyo na ang huling post ko (liban na lang sa TEDx post), tungkol ito sa pag-ibig. Tatlong buwan matapos kong isulat iyon ay nagka-girlfriend din ako sa wakas. Ni isa sa dalawang babae na leading lady ng happytimespilipinas ay ang kasalukuyang nobya ko. Wala pala sa Economics ang pag-ibig kundi nasa Accountancy. Baduy ang buong paragraph na ito.
Naging Presidente ako ng Economics Society, VP-Internal ng Safety First, at VP-External ng SBE Council. Sa aking obserbasyon ay nalaman ko na ang pagakyat ko sa posisyon ko sa SangKarlos ay katumbas din sa pagtaas ng absences ko. Pasensya na pero hindi ako ang lider na magiging inspirasyon nyo dahil focus ko muna ay matupad ang kakulangan ng mga organisasyon ko. Kung gusto nyo ng inspirasyon ay pumunta kayo sa Sto. Rosario o maghanap ng crush. I have some issues to settle wika nga ng paborito kong guro.
Nagka-TEDx din sa wakas sa Cebu. May post ako sa ibaba nito at tinatamad ako magbigay ng link.
Sira na rin laptop ko matapos ang tatlong taon na naging saksi sa pagsusulat, pagpupuyat, at pagpoporn ko.
Lumipat na kami ng bahay at sa wakas ay may bahay na kami sa Cebu na maipagmamalaki naman na sa amin talaga. Take note: May Swimming pool pa tinitirhan namin kung saan madalas ang mga seksing Italian at American.
Nagmahal na ng dalawang piso ang spaghetti sa Jollibee.
TOCSO na ang Datalogics Society at sikat na sikat na sa kanilang spin-off na USC All Access. Nawa'y gabayan sila ng Panginoon sa mabuti nilang programa at sana hindi nila makalimutan kung saan sila nagsimula.
May tabloid na ang Today's Carolinian na simula 1st year pa lang ay pinapangarap ko na gawin nila.
Dumating yang PUTANG-INANG Yolanda na yan at NALINDOL pa ang Visayas.
Nagkasunog sa Lorega kung saan nag-donate ang Economics ng 1 box ng instant noodles na na-expire din dahil nakalimutang idonate ng SSC.
Meron na rin akong cabinet sa loob ng kwarto kung saan ay may mini-locker sa loob. Ano ang laman ng saradong mini-locker? Libro at susi ng mini-locker. #HustisyaPare
Nabuhay ulit ang Eraserheads at may dalawang Salvador na pinepeste ang MYX Daily Top 10. Dahan-dahan lang sa mga boto ninyo. Bumalik na rin ang MTV kung saan ay 50% Nadine Lustre/James Reid, 30% Chicser, 10% All of me ni John Legend, 5% Reality Show, at 5% matinong music.
Tatlong bagsak na subjects dahil hindi ko pinapasukan. Oo student-leader ako pero tao rin ako at bumabagsak at tumatae sa CR malapit sa schotel.
May google sticker na rin ako sa wakas.
Depressed ako lately dahil sa pagsasara ng GeCube.
May girlfriend na ako. Oops, nasabi ko na nga pala.
Sa mga masugid na mambabasa ng blog ko, hindi ko maipapangako na palagi akong magsusulat dahil nakikihiram lang ako ng laptop at walang garantiya na may pera ako sa mga susunod na araw para pang-load sa mabagal na broadband stick. Kukwentuhan ko na lang kayo pag nagkita tayo.
Featured Posts
Thursday, October 2, 2014
Student Blues: TEDx
Matagal na rin ako nung huli akong nakapagsulat – hindi ko
na nga maalala ang buwan kung kailan may naiambag ako sa blog na ito. Sa huli
kong pagsulat at sa kasalukuyan na isunusulat ko, maraming nangyari sa buhay ko
na hindi ko inaakalang magiging parte ako o di kaya ay naagawa ko. Sa madaling
salita, nagging busy ako.
Isa sa mga kumain sa oras ko ay ang preparasyon ng grupo
namin para sa pagdaraos ng TEDx. Sa mga hindi nakakaalam, ang TEDx ay isang
pagpupulong sa larangan ng Technology, Entertainment, at Design. Ako ang punong
organizer (tree organizer) at masasabi ko talaga at ng ibang mga puno dyan na
pinuputol na hindi kadali ang pagkuha ng lisensya para makuha ang TEDx. Parang
Big Brother, Survivor, Amazing Race, at iba pang localized reality shows ang
TEDx na kailangan mong kumain ng uod sa hirap para lang makuha ang mga
nabanggit na programa. Ang pinaka-highlight ng TEDx ay ang mga speakers na
aming iniimbita para ilahad ang mga “Ideas worth Spreading” nila na dapat ay related
(ano Filipino ng related) sa aming tema na “The Butterfly Effect.”
Ngayon, bakit Butterfly Effect ang tema? Akala ng iba ay
selebrasyon ito ng LGBT. Hindi pero na-plano ko nung summer pa na imbitahin si
Arjay Mercado na kasalukuyan ay USC (SSC) President ng U.P. Diliman para ilahad
naman ang perspektibo ng LGBT Community sa aming tema. Yun ang tema kasi gusto
naming i-celebrate (ano Filipino ng celebrate?) ang mga naiambag o idea ng mga
speakers na kahit maliit lamang o hindi napapansin ay nakakaambag ng malaki at
tumutulong para i-hulma ang “Grand Picture.”
Nobyembre ko nakuha ang plano para mag-organize ng ganitong
event (ano Filipino ng event?) at nag-apply (ano Filipino ng apply?) para sa
lisensya sa TEDxCebu. Mag-isa akong nagplano at gumawa sa sponsorship kit pero
dumating ang ika- 17 ng Pebrero, ang event date, pero wala man lang akong
nakuhang tugon sa TEDx. Ang nangyari: gmailusername@yahoo.com
ang nakalagay ko at hindi gmailusername@gmail.com.
Kung hindi lang sa katangahan ko ay Pebrero pa lang ay may TEDx na sa Cebu.
Pero blessing in disguise din ang kapalpakan ko. Malapit ko
na sanang makuha si Lourd de Veyra at kung nagging speaker sya ay madali na ring
makuha si Ramon Bautista. Pebrero nung namatay si Tado kaya biruin nyo na lang
ang sakit sa ulo at coma na idudulot nito sa akin kung mag-decline sila sa
huling minute. Buti na lang diba?
Pebrero 17 din nung sinubukan kong kunin ang lisensya sa
TEDxUniversityofSanCarlos. Mas maganda ang application form ko at @gmail.com na
ang email address na isinulat ko. Isang linggo matapos kong ipasa ay sumulat sa
akin ang TEDx para sa isang interview sa Skype.
Biruin nyo, kauna-unahang interview ko sa buong buhay at kano
pa ang mag-iinterrogate sa akin. Trenta minutos ang interbyu at parang nasa
impyerno ako nung panahon na yun. Maayos naman ang interbyu – nasagot ko nga at
naidepensahan ko kung bakit “Trailblazing” ang tema sa TEDx. Ang kinabahan ako
ay paputol-putol ang paguusap naming dahil mala-dial up ang bagal ng broadband
ko.
Pero pumasa naman tayo matapos ang dalawang buwan na
paghihintay. TEDxUniversityofSanCarlos din ang kauna-unahang event na
ioorganize ko. Tinanong ko sarili ko kung paano ang isang inexperience
(Filipino ng inexperience?) na katulad ko ay makaka-organize nang isang matinding
event.
(Itutuloy kung may oras ako)
Labels:
college,
student blues,
TEDx
Monday, October 14, 2013
Nakilala ko siya sa Retorika
Hindi naman talaga kami magkaka-tabi ng upuan. Pinaupo ako sa ikalawang hanay at siya sa una. Napakalayo ng distansiya namin pero wala akong pakielam nun. Hindi ko pa talaga siya kilala noon. Ang pakielam ko lang ay matapos itong pinasukan kong klase at sawang-sawa na ako sa Filipino.
Algebra Class. Miyerkules. Nasa pang-apat na hanay ako sa pinaka-kaliwa. Nakikipag-usap ako sa isa kong kamag-aral ng isa sa kanila ay sabihin sa akin na, "Ang ganda nung nasa harapan." Tumugon ako na, "Yung nandun?" "Hindi! Yung katabi niya!" huli ko lang nasabi ay "Oo nga no? Tara puntahan natin" Hindi namin nagawang puntahan siya dahil lahat ng puwersa namin ay nasa puso at ngiti namin.
Retorika. Nagtaka kami na bakit iba na naman ang guro namin. Pangalawang professor na namin ito at kinakabahan kami na baka i-dissolve ang klase namin dahil sa konti ng estudyante na pumasok. Yun pala, may shuffle na naman sa aming klase. Ang una niyang ginawa? Ibahin ang seating arrangement. Mula sa pa-hanay na ayos ay ginawang pa-hilera. Nagulat ako dahil naging katabi ko siya. Oo nga, tama ang kaklase ko. Napakaganda niya. Yung ngiti niya, kakaiba. Nag-usap kami ng bahagya at may nalaman akong kakaunti sa kaniya. Ang alam ko ay pareho kami ng kurso at kaka-shift pa lang nya noon. Tanda ko ay inaaya ko siya na pumunta sa Acquaintance Party namin pero hindi pa siya desidido noong panahon na yon.
(Hindi siya pumunta sa Acquaintance Party)
Ang sarap pakinggan ng boses niya, nakakapanghina ng tuhod ang mapusok nyang ngiti at pinatigas niya ang katawan ko sa kakaibang ganda niya. Parang napana ulit ako.
Nakilala ko siya sa Retorika
Isang araw, iba na naman ang guro namin sa Retorika. Mas namangha ako sa klase namin dahil nakaka-tatlong guro na kami dito at wala pang nangyayari sa buhay namin maliban sa pinagawa kami nang nagdaang guro ng tula tungkol sa Pamantasan namin. Dahil dun, ibang seating arrangement na naman. Sumama loob ko kasi akala ko nung sandali na yon na mas magkakakilala kami. Mula noon ay hindi ko na siya nakakausap sa Retorika. Sa ibang klase namin, oo. Pero parang hindi ko naisulit ang panahon namin sa Retorika na halos wala kaming kakilala sa klase na yun at pwede ko siya ma-solo. Ma-solo
Nakilala ko siya sa Retorika
Halos madalas ang absences ko sa Retorika dahil boring at, hindi sa nagmamayabang, alam ko na ang kahihinatnan nito. Hindi ko talaga lubos ma-isip na bakit tatlo ang Filipino namin sa Economics at iisa lang ang Psychology subject namin. Ang binigay sa amin bilang Final Project ay gumawa ng sanaysay at isaulo. Natuwa ako dahil hilig ko ang pagsusulat ng Filipinong sanaysay pero kahinaan ko ang magsaulo ng bagay dahil sa maliit kong pasensya. Napili ko ay tungkol sa pelikulang Pilipino. Inabot ako ng dalawang araw para matapos at dalawang linggo para isaulo ang dalawang pahinang sanaysay ko. Malungkot nga lang isipin na akong chillax na lang habang siya'y nangangapa pa sa pagsusulat. Hindi ko siya kayang matulungan dahil hindi sa lahat ng panahon ay may udyok ako sa pagsusulat.
Sa araw ng pagtatalumpati namin, dalawa kami sa mga kakaunting estudyanteng nag-costume. Nagulat ako dahil nandun para mag-sit in ang isa kong kaibigan para siguro makita siya at hindi para makita ako. Isa siya sa mga naunang tinawag. Tungkol sa teknolohiya ang kanyang sanaysay. Pero wala akong pakielam dun dahil ang talagang tinitingnan ko lang ay ang ganda niya. Hindi ko makakalimutan na siya ang babaeng nakilala ko sa Retorika.
Malapit na tumunog ang bell namin kaya sinabi ko sa guro namin na ako ang susunod sa napakaraming estudyanteng nagtalumpati na. Napansin ko na isa o dalawa lang ata ang sinaulo ang sanaysay nila. Over-prepared ata ako. Nang tinawag ako, talagang kinabahan ako hindi dahil baka pumalpak ako pero dahil nasa harapan ko siya. Masasabi ko na natuwa ang klase sa nakakatuwang sanaysay ko. Natutuwa ako sa tuwing maririnig ko siyang tumawa lalo na sa parteng sinabi ko na, "Basta cleavage lang, solve na ang Pilipinas." Naughty girl ata ito. Sinabi ng kaibigan ko na napansin niya na natuwa siya sa itinalumpati ko. Masaya na ako doon.
Sa pagtatapos ng klase namin ay nilapitan ko siya para magpa-litrato. "Pwede favor? Tutal magshi-shift ka naman, pa-picture tayo at last day ko nang makikita ka." Pumayag siya at sa pinaka-unang beses ay meron akong litrato niya. Nakasama ko siya, nakausap, nakatawanan, at ngayon ay may ala-ala pa ako sa kaniya.
Kahit sino pang lalake siya mabighani, saan man siya dumako, makakakilala siya ng magpapasaya sa kaniya, makakarining ng magandang sanaysay, mapunta sa ibang kurso, ay hindi ko pa rin siya makakalimutan na siya ang pinaka-masaya at magandang babae na nakita ko. At hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang dalagang nakilala ko sa retorika.

Saturday, October 5, 2013
Malaya at tamang pamamahayag
Importante
talaga sa buhay ng Pilipino ang panonood ng telebisyon lalo na kung para
makasagap ng balita. Sa mga news programs sa free TV sa Pilipinas, masasabi ko
na habang tumatagal ay mas gumaganda ang set ng kanilang studio, dumarami ang
mga inilalagay na technology, nag-iiba ang pamamaraan ng balita, at nag-iiba na
ang inilalaman ng kanilang pagbabalita. Pero nakakalungkot isipin na para bang
nagiging mas importante ang TV ratings kaya mas ibinabalita nila ang mga walang
saysay na balita pero mas nakakaakit ng mga mata kesa sa mga
napaka-importanteng kaganapan na para bang “boring” sa mga tagapanuod. Kaya
talamak na sa mga usapin sa mga social media site (Facebook, twitter,
livejasmin, at tumblr) na ang media, kesa sa pakainin pa ang utak natin ng mga
masusustansyang balita, ay minanipula na tayo at pinipili na ang balita kung
saan pabor ito sa mga paniniwala ng network station.
Hindi
ako naniniwala na sinasadya ng mga mamamahayag sa telebisyon na manipulahin ang
pag-iisip ng tao. Talagang nag-iba na ang mga balita na ginusto ng tao na
marinig. Natatandaan ko nung bata pa ako na siksik ang TV Patrol noon sa mga
balita tungkol sa mga tinapon na bangkay, krisis sa Mindanao, at mga ginahasang
babae. Pero ngayon, hitik na ang mga nightly news programs sa mga balitang
viral katulad sa mga memes kay Napoles, selfie ni Pope Francis, at hindi
naaagnas na bangkay ng isang bold star. Hindi natin sila masisi dahil kung
pumatok ito at pinag-usapan sa cyberworld, ibabalita nila ito sa telebisyon
dahil malamang ay papatok ito at pag-uusapan sa mga kabahayan.
Nakakalungkot lang isipin na may mga tagapag-balita
na binabaluktok ang balita para Makita ng taumbayan na ang mga reporters ay ang
superhero ng bayan. Nitong 2013 ay sobrang natutuwa ang mga tao sa facebook
nung mabalitaan nila na 7.8% ang GDP Growth ng Pilipinas. Nabalita ito pero
binaha ito ng mga negatibong pagbabalita. Biruin mo ay may isang reporter na
hindi alam kung ano ang GDP at kung ano epekto nito pero may tapang pa rin para
magbigay ng opinion nya na wala itong silbi dahil marami parin ang naghihirap
at palpak ang gobyerno. Oo talagang talamak parin ang kahirapan pero sana naman
ay may naipakita siyang kabutihan na ginawa ng gobyerno para matiyak ang isang
impresibong paglago n gating GDP. May isa pa ngang news anchor na ang topic ng
show nya ay tungkol sa GDP growth pero ang pinakita ay puro pagsulpot ng mga
casino at ang epekto nito sa ispiritwal at sikolohiyal ng isang tao. Kaya
nagtataka ako na ano ang relasyon ng 7.8% GDP Growth sa isang casino na katabi
lang ay eskwelahan. Iyan ang palpak na pagbibigay impormasyon.
Thursday, August 29, 2013
College Blues II
Second Year - First Semester.
Biruin nyo, yung bata na pinatayo for 1 hour dahil sa walang saysay at mapanirang malikhaing pagsusulat ay inatasan na ngayon bilang mamahala sa newspaper ng School of Business Economics. Hindi naman sa nagmamayabang, sa katunayan, mas marami yung hassle kesa sa perks ng pagiging E-I-C lalo na kung marami kang plano na baguhin ito. Pero dun tayo sa side ng "perks." Syempre dahil "boss" na ako ng isang maliit na pahayagan, may rason na ako para gabihin o kaya para bigyan ng adequate space para pagnilaynilayan ang isinusulat.
Speaking of adequate space...
Pumunta tayo sa pag-ibig. Tutal itong topic ang nagpa-boost ng readers sa blog na ito, pag-usapan na rin natin ito at may kaunti akong ikukwento kung paano ako pumalpak tumago kay kupido.
Kung ako at ang critical thinking skills ko lang ang masusunod, no-no ang magka-irog sa panahong marami akong extra ginagawa + ang mala-impyernong minor subjects na pinipilit magpapansin sa mga estudyante na ang focus ay ang kanilang major subjects. Lalo na lalake ako kaya hassle sa part ko na walang nagbibigay ng chocolates, teddy bear at walang nanglilibre sa dinner dahil ako dapat nagpoprovide nun. Hassle diba?
Hindi ko talaga alam kung bakit ko nasabi yung mga matatamis na salita sa kanya. Ayon kay Ginoong Ramon Bautista, may tatlong parte ng ating pagkatao ang humuhubog sa magiging feelings natin sa isang babae: Utak, Puso, at Bird. Pero wala sa isip ko na gusto ko siya, walang sparks para tumibok ang puso ko sa kanya, at dormant ang bird ko. Hindi naman ako nasa impluwensiya ng droga at kumakain naman ako sa tamang oras, pero hindi ko talaga alam kung paano siya lumabas sa bibig ko. Paasa moves pero hindi ko ginusto na paasahin sya. Siguro si kupido yung nagdudroga.
----------
Pinaka-hassle talaga na subject ko ngayon ay ang chemistry. Biruin nyo, 4 hours and 30 minutes na puro chemistry-related-pero-no-relation-sa-economics-para-lang-magamit-namin-ang-laboratory-kasi-center-of-excellence-ang-science-department-ng-school-namin. Medyo madali nga lang ang chemistry lecture lalo na kung usapang molarity lang. Walang recitation kasi may kupal kaming kaklase na hindi Econ major na puro salita. Alam namin magaling ka pero...ano...pero tang*na ka lang. Ok na rin yun kasi willing sya mag-recite, mag-sagot ng exercises, at mag-waste time sa klase namin. Wala kaming magagawa at siguro hilig lang nya ang chemistry at yun lang ang kaligayahan nya maliban sa paglalaro ng mga barbie games sa PSP nya.
Sa Chemistry Lab, hassle talaga kung may lecture dahil hindi conducive for learning ang mainit na laboratory. Syempre hindi kami pwede magpa-request na ipa-aircon sya at malamang walang liliyab na bunsen burner kung magkaganun. Ok naman yung mga experiment except sa mga instances na ganito:
1. nagliyab yung part ng bunsen burner kung saan yun ang on/off ng burner. Napa-WTF kami ng partner ko nun.
2. Dahil absent ang partner ko, solo ako nag-perform ng experiment. Sa lakas ng apoy, muntikan nang masunog kilay ko. Buti walang nakakita.
3. Nawala daw namin yung isang vial. Eh wala naman binigay kasi na vial na ganun at wala kaming intensyon na nakawin siya. Kasalanan daw namin dahil hindi namin nireport yung 15 minutes pagkatapos namin makuha ang experiment kit. Oo kasalanan namin pero ayusin naman sana nung mga working scholars yung trabaho nila para hindi kami napapahamak. Alam ko P12 lang yung vial pero mabigat pa rin sa'kin na kami ang nagbabayad sa kapabayaan ng iba.
4. Matapos kaming mag-sunog ng copper wire, bigla itong nawala. Akala namin nag-evaporate o kinuha ng Poong Maykapal. Yun pala, nag-camouflage sya sa color brown naming experiment kit box. Nag-aksaya kami ng 15 mins. para lang dun.
Overall, masaya ang Chemistry class dahil nasa campus siya kung saan maraming kainan. Kung wala sina manong at manang na nagluluto ng panlaman-tiyan, malamang hindi enjoyable ang Science subjects namin.
----------
Memorable din ang Retorika class namin ni Ginoong Rodrigo Davide. Napakaraming kababalaghan na nagpapawala sa antok namin lalo na at napaka-lamig ng silid-aralan. Halos walang session nya na natuto kami at natuwa dahil sa galing nya sa pagtuturo.
1. Dahil may pagsusulit, pinaghanda nya kami ng yellow pad "back-to-back." Syempre sigawan kami sa pagtutol dahil napakarami naman ang back-to-back para lang sa kakaunting topic. Sagot niya, "Sige maghanap kayo ng yellow pad na walang likuran." Epic.
2. Plano nya na ang midterms namin ay 5 items at x 10 ang bawat items. Nakakapagod daw gumawa ng test papers at ayaw nyang mahirapan kami. Hindi yun nangyari pero madali pa rin na exam ang ibinigay nya sa amin.
3. Pag may na-late, sisigaw kaagad siya ng "#45" para kunwari may pagsusulit kami at nahuli ang na-late o kaya ay magpapaalam na lang bigla sa amin. Weird yet cool.
----------
Nagpapasalamat ulit ako sa mga bumisita sa akin nung ako ay na-ospital. Salamat sa pagmamahal na binigay ninyo kahit na nung mayo lang tayo nagkakilala.
Happy Times :)

Subscribe to:
Posts (Atom)